Walo na ang naitalang nasawi sa magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao kamakailan.
Ito ang isinapubliko ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo at sinabing kabilang sa mga binawian ng buhay ang apat na residente ng Sarangani, tatlong taga-General Santos City at isang taga-Davao Occidental.
Siyam na ang naiulat na nasugatan sa pagyanig na naganap nitong Biyernes ng hapon.
National
DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara
Posibleng madagdagan pa ang mga bilang ng mga nasawi dahil patuloy pa ring nagsasagawa ng search operation ang mga awtoridad sa mga gumuhong istruktura na dulot ng pagyanig.
Kabilang sa mga naapektuhan ng pagyanig ang 54 bahay sa Davao Occidental, Davao Oriental, South Cotabato, at Sarangani.
Nasa 71 na istruktura sa Davao City, Davao Occidental, Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro, South Cotabato, at Sarangani ang nasira sa pagyanig.
Idinagdag pa ng NDRRMC, umabot sa 180 pamilya ang apektado matapos masira ang kani-kanilang bahay dahil sa pagyanig.