Marami ang humanga at pumuri sa inirampang evening gown ni Miss Philippines 2023 Michelle Dee sa final night ng Miss Universe 2023 nitong Linggo, Nobyembre 19, sa El Salvador.

Ang inspirasyon sa likod ng disenyo ng suot ni Michelle ay si Apo Whang-Od. 

Sa Instagram post ng beauty queen, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit ang personalidad na ito ang piniling gawing inspirasyon sa pagbuo ng kaniyang evening gown.

MAKI-BALITA: Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero sino nga ba si Apo Whang-Od?

Si Apo Whang-Od o “Maria Oggay” ay isang 106-year-old tattoo artist na nakatira sa Buscalan, isang mountain village sa bayan ng Tinglayan sa Kalinga.

Siya ang itinuturing na huli at pinakamatandang mambabatok sa Pilipinas. Ang mambabatok ay tawag sa mga nagta-tattoo sa Kalinga sa tradisyonal na paraan sa pamamagitan ng tinik ng pomelo o lemon.

MAKI-BALITA: Whang-od ‘mambabatok’ ng Kalinga

Dahil sa ‘di pangkaraniwang paraan ng pagta-tattoo, tila naging atraksiyon si Apo Whang-Od para sa mga turista hindi lang sa labas ng Kalinga kundi pati sa labas ng bansa.

Sa katunayan, noong nakaraang taon, ayon sa ulat ng Municipal Tourism Office ng Tinglayan, mahigit sampung libong turista umano ang dumagsa sa nasabing lugar para bisitahin ang pinakamatandang mambabatok sa bansa.

MAKI-BALITA: 10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

Dumating din sa punto na naitampok si Apo Whang-Od bilang cover sa isang fashion and lifestyle magazine sa Amerika. Maraming international celebrity ang humanga sa taglay na ganda ng mambabatok.

MAKI-BALITA: International celebs, hanga sa ganda ni Apo Whang-od

Pero kasabay ng pamamayagpag ni Apo Whang-Od sa loob at labas ng bansa, hindi maiwasang mapagsamantalahan ng ilang oportunista ang kaniyang pangalan at kakayahan sa larangan ng tradisyonal na pagta-tatoo.

MAKI-BALITA: Paratang ng apo ni Whang-Od, ‘scam’ ang masterclass ni Nas Daily!

Kaya ang ginawang pagpaparangal ni Michelle kay Apo Whang-Od ay isang malaking bagay para ipaalalang muli ang mahalagang papel na ginagampanan ng pinakamatandang mambabatok sa lipunang Pilipino.

Itinuturing si Apo Whang-Od bilang national treasure ng bansa. Noong 2018, ginawaran siya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ng 2018 Dangal ng Haraya Award for Intangible Cultural Heritage.