Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • August 23, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Illegal recruitment agency, kinasuhan sa pekeng trabaho sa Italy

    Illegal recruitment agency, kinasuhan sa pekeng trabaho sa Italy

    By
    Balita Online
    November 20, 2023
    In
    BALITA National
    Illegal recruitment agency, kinasuhan sa pekeng trabaho sa Italy
    (PNA)

    Illegal recruitment agency, kinasuhan sa pekeng trabaho sa Italy

    By Balita Online
    November 20, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Sinampahan na ng kasong kriminal ang isang illegal recruitment agency matapos umanong mangako ng trabaho sa Italy kapalit ng ₱180,000 placement fee ng bawat aplikante, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

    Ang kaso ay iniharap ng NBI sa Department of Justice (DOJ) matapos lumantad sa ahensya ang 48 indibidwal na taga-Cavite at Batangas na nabiktima umano ng Alpha Assistenza SLR.

    Ipinaliwanag ng NBI, ibinasura ng Italian Embassy sa Pilipinas ang visa applications ng mga aplikante dahil sa pekeng "nulla osta" o work permit na ibinigay sa kanila ng Alpha Assistenza.

    Nitong nakaraang buwan, naghain ng resolusyon si Senator Raffy Tulfo sa Senado na humihiling na imbestigahan ang illegal recruitment scheme ng agency na bumiktima na ng mga Pinoy na naghahangad na magtrabaho sa Italy.

    Sa Senate Resolution 816, binanggit ni Tulfo ang mga opisyal ng Alpha Assistenza na sina CEO Krizelle Respicio at Frederick Dutaro na naniningil ng malaking halaga bilang placement fee para sa mga alok na pekeng trabaho sa Italy.

     

     

    PNA

    Inirerekomendang balita

    Lalaki, nagbihis-aso sa pagdalo niya sa hearing

    Lalaki, nagbihis-aso sa pagdalo niya sa hearing

    Hindi pangkaraniwang eksena ang sumalubong sa mga opisyal na dumalo sa isang public hearing matapos sumulpot ang isang lalaki na nakasuot ng maskara at kasuotang kahawig ng aso. Ginawa umano ito bilang bahagi ng protesta laban sa lumalaking bilang ng mga asong gala sa lungsod at sa umano’y iregularidad sa programa ng lokal na pamahalaan para sa pagkakapon o sterilization ng mga ito sa India....

    Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!

    Presyo ng produktong petrolyo, mataas pa rin sa huling linggo ng Agosto!

    Tataas ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, kasunod ng patuloy na tensiyon sa pagitan ng United States at Iran na nakaaapekto sa pandaigdigang supply at kalakalan ng langis. Batay sa industry estimates gamit ang galaw ng presyo sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at palitan ng piso kontra dolyar, maaaring madagdagan ng ₱1.75 hanggang ₱2.25 kada litro ang presyo ng diesel....

    ‘I am working very hard!’ Sen. Risa, nagpapalakas para mapiling kandidato sa 2028!

    ‘I am working very hard!’ Sen. Risa, nagpapalakas para mapiling kandidato sa 2028!

    Aminado si Sen. Risa Hontiveros na patuloy niyang tinatrabaho ang kaniyang balak na tumakbo bilang Presidente sa 2028. Sa press conference nitong Sabado, Agosto 22, iginiit niyang ginagawa niya ang lahat upang siya raw ang mapiling kandidato ng kanilang mga kaalyado. “I am preparing very hard, working very hard para maging yung pipiliin nung hanay namin as the strongest possible candidate sa...

    Features

    FEATURES

    1

    KILALANIN: Sino si Nagmalitong Yawa?

    August 22, 2026

    FEATURES

    2

    Pasahero, pinakisuyuan ng tsuper replayan chat sa kaniya

    August 22, 2026

    FEATURES

    3

    BALITrivia: ‘Pangbansa’ o ‘Pambansa?’ Kailan nagbabago ang /-ng/ bilang /m/ o /n/ sa isang salita

    August 22, 2026

    FEATURES

    4

    Asong naipit sa nasusunog na bahay, nasagip ng dalawang bumbero

    August 22, 2026

    FEATURES

    5

    ALAMIN: Mga posibleng kaganapan kung sisipot ng impeachment trial si VP Sara

    August 22, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Paano malalabanan ang mga sakit na HIV, tuberculosis?

    August 22, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Sikreto at payo nina lola para magkaroon ng mahaba at masayang buhay!

    August 21, 2026

    FEATURES

    8

    Ninoy sa huling liham niya kay Cory: 'All the things I want to tell you may be capsulized in one line - I love you!'

    August 21, 2026

    Opinyon

    Sean Antonio #KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo? Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala' Nicole Therise Marcelo
    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita