Isiniwalat ng aktor na si Diego Loyzaga ang isa sa pinakamadilim na yugto sa kaniyang buhay.

Sa panayam sa “Toni Talks”, sinabi ni Diego na handa na umano siyang ibahagi ang tungkol sa pagkaka-rehab niya.

Bagama’t walang inilabas na pahayag o tugon, matatandaang noong 2018 pa lang ay napaulat na ang tungkol sa isyung ito. 

MAKI-BALITA: Diego, diretso sa rehab galing sa ospital?

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“After two years of coming out of rehab, I want to talk about it na,” saad ni Diego.

“In 2018, I was such in a dark point in my life. Not only friends, not only family.  Even starting petty quarrels with random people. There were people who were mad at me,” aniya.

Ayon kay Diego, matagal umano bago niya natuklasan kung saan nagmumula ang kaniyang problema. 

“Ano ‘yung root cause?” usisa ni Toni.

“It had to do with my upbringing. The people around me. I guess I could say my group of friends noong time na ‘yun–which today, some of them are still my friends. But it was really me. I was the problem at that point of my life,” tugon ni Diego.

Sey tuloy ni Toni: “Para ka palang kanta ni Taylor Swift. ‘It’s me. Hi, I’m the problem. It’s me’.”

“Yes, that’s true,” natatawang sabi ni Diego, “I was self destructive noong time na ‘yun and I wasn’t aware. So, noong naging aware ako, I fixed myself.”

Sa kasalukuyan, may isa ng anak si Diego sa jowa niyang non-showbiz personality. Pero kahit may anak na, hindi raw siya naniniwala sa konsepto ng kasal.

MAKI-BALITA: ‘Daddy’ Diego Loyzaga, flinex ang baby: ‘The best birthday gift ever