Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Nobyembre 20, na 99.63% o 543 sa 545 examinees ang pumasa sa November 2023 Speech-Language Pathologists Licensure Examination (SLPLE).

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Pristine Ellise Ty Chua mula sa University of the Philippines – Manila matapos siyang makakuha ng 93.75% score.

Hinirang naman ang University of Santo Tomas, University of the Philippines – Manila at Cebu Doctors University bilang mga top performing school matapos umanong makakuha ang mga ito ng 100% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Nobyembre 13 hanggang 14, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Cebu, at Davao.
National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’