97 rockfall events, naitala pa sa Bulkang Mayon
Nakapagtala pa ng 97 rockfall events ang Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.
Paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), isang pagyanig na lamang ang naramdaman sa bulkan.
Bukod pa ang dalawang pyroclastic density current (PDC) events na sinabayan ng pagbuga ng 1,709 tonelada ng sulfur dioxide nitong Nobyembre 16.
Napanatili pa rin ng bulkan ang pagbuga ng lava sa Mi-isi, Bonga at Basud Gullies.
kaugnay nito, tumagal naman ng limang minuto ang 59 volcanic earthquakes ng Taal.
Nasa 8,024 tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan pa ng bulkan.
Umabot naman sa 500 metrong taas ng puting usok ang ibinuga ng bulkan at tuluyang tinangay ng hangin pa-timog kanluran.
Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater, pamamalagi sa Daang Kastila fissures at sa lawa ng Taal dahil sa nakaambang phreatic explosions.