Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Southern Leyte nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:38 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 13 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Anahawan, Southern Leyte, na may lalim na 214 kilometro.

Naiulat ang Instrumental Intensity I sa Hinunangan, Southern Leyte.

National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.