Relief ops sa mga lugar na tinamaan ng lindol sa Mindanao, ituloy lang -- Marcos
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga opisyal ng pamahalaan na ituloy lamang ang relief operations sa mga lugar naapektuhan ng pagyanig sa Mindanao kamakailan.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), kahit nasa Honolulu, Hawaii ang Pangulo ay tuluy-tuloy pa rin ang pagsubaybay nito sa sitwasyon sa pamamagitan ng video conference, kasama ang mga opisyal ng pamahalaan.
Kasama sa pagpupulong sina Defense Secretary Gilbert Teodoro, Health Secretary Teodoro Herbosa, Social Welfare Undersecretary Edu Punay at Office of Civil Defense Undersecretary Ariel Nepomuceno.
“Let’s just be vigilant. Let’s keep watching. We must pay attention to aftershocks because sometimes maraming nagiging casualty sa aftershock," ani Marcos.
Pinatitiyak din ni Marcos ang kaligtasan ng mga residente sa nasabing rehiyon dahil na rin sa mga kumakalat na pekeng impormasyong nagsasabing tatamaan ng tsunami ang lugar.
“Actually, that’s a valid concern pagka lindol … if there is going to be any movement from the sea, it would have happened already kasi hindi naman malayo. Napakalapit ng epicenter," pagdidiin pa ng punong ehekutibo.