Naging emosyunal ang vlogger na si Michelle Dy matapos hindi makapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa ginanap na 72nd Miss Universe.

Makikita sa ">TikTok video na pinost ni Michelle Dy ang kaniyang pag-iyak matapos mai-announce ang Top 5 sa kompetisyon na sina Miss Australia, Miss Puerto Rico, Miss Nicaragua, Miss Thailand at Miss Colombia. 

“We love you @MMD 🇵🇭🇵🇭🇵🇭🏆🏆🏆 we are so proud of your journey,” caption naman ng vlogger sa kaniyang TikTok post.

“You are still our Winner ❤️❤️❤️❤️❤️ PS. Please Excuse my ugly cry. 😣😭😭,” saad pa niya.

Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

Matatandaang natapos ang journey ni Michelle Dee sa ginanap na Miss Universe nitong Linggo, Nobyembre 19 (Philippine time), bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute umano niya sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios naman ang siyang kinoronahan bilang Miss Universe 2023.