Ilang sandali bago ang pagsisimula ng 72nd Miss Universe sa El Salvador, isang mensahe ang ipinahatid ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee sa bansa.

Sa kaniyang Instagram post, nagbahagi si Michelle ng isang video na nagpapakita ng compilation ng kaniyang journey sa Miss Universe.

“Everything happens for a reason and the time has come to leave it all up to You. 🙏🏻 #DEE5TINY,” caption ni Michelle sa kaniyang post.

“Thank You for the strength, grace, and the tenacity to represent my country as loud and as proud as possible. 🇵🇭”

National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’

“Come what may, #Filipinas! Let’s show them what we have to offer,” saad pa niya,

Ngayong Sabado ng umaga, Nobyembre 19 (Philippine time), magaganap ang Miss Universe 2023 coronation night kung saan maglalaban ang 84 beauty queens mula sa iba’t ibang mga bansa.

Si Michelle ang magiging panlima sa Pilipinas na title holder kapag nasungkit niya ang titulo sa Miss Universe.