Masaya si Star Magic artist at Frontline Pilipinas showbiz news anchor KaladKaren sa inclusivity ng katatapos na Miss Universe 2023 dahil sa pagpayag na makasama sa timpalak ang mga kinatawan ng bawat dibersyon na madalas ay "etsa puwera" sa nabanggit na prestihiyosong pageant noon.
Sa edisyong ito ay may napabilang na transgender woman, plus-sized, Muslim, at isang wife na may mga anak na rin.
"Transgender woman (Portugal) plus-sized (Nepal) mother and a wife (Colombia) Muslim (Pakistan) and of course, Philippines in the Top 20!!!!! They are all women. And this is what Miss Universe is all about! Hello, inclusivity! Hello, Universe!!!!! #MissUniverse2023," mababasa sa Facebook post ni KaladKaren.
Si KaladKaren ay gender equality advocate at gumawa ng kasaysayan sa mundo ng showbiz, matapos hiranging kauna-unahang transgender woman na nagwagi ng "Best Supporting Actress" sa Metro Manila Film Festival Summer Edition, at kauna-unahang transgender woman na news anchor sa telebisyon.
MAKI-BALITA: HERSTORY! KaladKaren, kauna-unahang transwoman na nagwagi bilang ‘Best Supporting Actress’ sa MMFF
MAKI-BALITA: ‘Inklusibong pagbabalita!’ KaladKaren, pasok na sa Frontline Pilipinas
Sumikat si KaladKaren dahil sa panggagaya kay ABS-CBN news anchor-broadcast journalist Karen Davila.