Winelcome na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang bagong Miss Universe 2023 na si Sheynnis Palacios Cornejo o "Miss Nicaragua" matapos nitong manalo sa nabanggit na prestihiyosong pageant.

Bukod dito, nagpasalamat din siya kay Miss Universe 2022 R'Bonney Gabriel.

"Welcome to the sisterhood@sheynnis ✨ and thank you @rbonneynola for such an impact full reign. ?," ani Catriona sa kaniyang X post.

https://twitter.com/catrionaelisa/status/1726129266478481886

Si Catriona ay isa sa backstage correspondent kasama ang co-host na si Emmy award-winner Zuri Hall.

National

'Binasag nang walang awang pagpatay kay Ninoy ang aking pagiging mangmang!'—Sen. Kiko

Hindi naman napigilan ni Queen Cat na magpahayag ng kalungkutan at panghihinayang nang malaglag sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee.