Sinagot ng social media personality na si Valentine Rosales ang ipinukol na banat sa kaniya ng komedyanteng si Wacky Kiray. 

Sa kaniyang Facebook account nitong Biyernes, Nobyembre 17, nilinaw ni Valentine na wala umano siyang sinabing pangit kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

“Wacky wala naman ako sinabing pangit si MMD nor sinabing pangit ang performance niya. As a matter of fact sinabi ko sa post ko na support parin ako sakanya since siya ang pambato ng ating bansa. I said that she lacked WOW factor.,” saad ni Valentine.

“She’s beautiful pero hindi stunning or jaw dropping ang ganda niya. Kumbaga simple ang beauty niya generic very common. Kahawig siya ni Liz Uy and Gabby Garcia na both maganda din naman pero hindi yung sobrang ganda na nakakatulala or jaw dropping,” aniya.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

Sinabi rin ni Valentine na kung uunawain lang umano ni Wacky ang opinyon niya, maliliwanagan ito na walang masama sa sinabi niya na ang kagandahan ni Michelle ay simple. Sadyang ang gusto lang umano niyang ganda ay iyong gaya ng kay Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.

“Wala akong nilaet or sinabing masama against her. Depende nalang sayo kung pano mo interpret yung word na WOW Factor,” saad niya.

Dagdag pa niya: “There’s no wrong or right opinion as all opinions are Valid since we are all entitled to our own opinion. Just because my opinion is different from yours doesn’t give you the license to enforce your opinion to mine.”

Iginiit din niya na irespeto ang kaniyang opinyon lalo pa’t sa wall naman niya ipinost ito at hindi sa wall ni Wacky o ni Michelle.

Matatandaang kamakailan ay sinabi ni Valentine na wala umanong kadating-dating si Michelle sa preliminary competition ng Miss Universe.

MAKI-BALITA: Valentine Rosales, ‘di bilib kay Michelle Dee: ‘Wala siyang wow factor’

Tumugon naman si Wacky hinggil dito at ipinagtanggol ang pambatong kandidata ng Pilipinas.

MAKI-BALITA: Wacky, ipinagtanggol si Michelle Dee kay Valentine: ‘Konting kalma, ‘te’