Muling inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kay Chinese President Xi Jinping ang sitwasyon ng mga mangingisdang Pinoy sa South China Sea.

Sinabi ni Marcos nitong Sabado na isiningit lamang nito ang pakikipagpulong kay Xi matapos silang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2023 sa San Francisco, California.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Binanggit ng Pangulo na makatwiran ang kanyang hakbang para na rin sa kapakanan ng mga mangingisdang Pinoy.

Nagkasundo aniya sila na hindi makaaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China ang nasabing usapin.

Matatandaang patuloy ang pambu-bully ng China Coast sa mga mangingisdang Pinoy at resupply mission ng pamahalaan sa Ayungin Shoal na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Kamakailan, nanawagan ang pamahalaan sa China na gibain ang illegal structures nito sa West Philippine Sea

Pinatitigil din ng Philippine government sa China ang reclamation activities nito sa naturang lugar.