Kahit malayo pa ang Pasko at birthday niya, maagap na sinabi ni Megastar Sharon Cuneta ang kaniyang hiling para sa dalawang espesyal araw na nabanggit.

Sa Instagram post ni Sharon kamakailan, mababasa ang isang open letter na ibinahagi niya para sa kaniyang mga kapamilya, kaibigan, at tagahanga.

Ayon kay Sharon, hindi umano siya umaasang mabigyan ng kahit anomang regalo sa darating na Pasko o sa birthday niya sa January 6.

“But knowing you, you are probably already preparing gifts for me or planning to. Please - do not buy me anything. I have way too much stuff, we are always blessed with so much food from everyone always. But if you insist like I know you lots of you will, and really want to give me something that I will appreciate and truly treasure, please donate instead to @pawssionproject,” pahayag ni Sharon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Pawssion Project ay isang non-profit organization na ang operasyon ay nakasalalay sa mga donasyon. Kumukupkop at sumasaklolo sila sa mga hayop na inabandona, inabuso, at pinabayaan.

Dagdag pa ng Megastar, kung gusto umano ng mga magbibigay na malaman ang identity nila, pwedeng-pwede raw nilang ilagay ang kanilang mga pangalan at idagdag ang “for Sharon” bagama’t optional naman umano ito.

“Any amount or anything in kind that you give will be truy appreciated and we will be so grateful to you! This is what I want for this Christmas and my birthday that would really make me happiest,” saad pa ni Sharon.

Hinikayat din niyang tumulong ang mga organisasyon at korporasyong nakilala niya sa mahabang panahon.

Sa huling bahagi, nag-abot ng lubos na pagpapasalamat at pagpapala ang Megastar para sa mga pinag-alayan niya ng naturang sulat.

Matatandaang kamakailan lang ay pumanaw na ang kanilang asong si Bea. Bukod kay Sharon, nagluksa rin ang kaniyang asawang si dating Senador Kiko Pangilinan.

MAKI-BALITA: Kiko Pangilinan, nagluksa sa pagpanaw ng asong si Bea