Dismayado ang social media personality na si Rendon Labador sa hitsura ng national costume ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

Sa Facebook story ni Rendon nitong Sabado, Nobyembre 18, makikita ang komento niya sa post ng isang online news platform.

“Bagsak!!! Sa unang pagkakataon nawala ang creativity ng mga Pilipino. Mahal na mahal ko ang Pilipinas pero huwag naman ninyong sirain, kahit sa costume party baka hindi manalo ‘yan,” saad ni Redon.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Pinatutsadahan niya rin ang gumawa ng national costume ni Michelle sa isa pang Facebook story at sinabihan ng hindi maganda.

“Kung sinoman ang nag-design ng costume ni Michelle Dee, panahon na para magising ka sa katotohanan. Ang tanga mo mag-design. Siguro ikaw ‘yung binola ng magulang simula pagkabata,” ani Rendon.

Dagdag pa niya: “Gusto kong hamunin ‘yung taong nag-design ng costume, makapagpalabas man lang ng sama ng loob. Pinahiya mo kaming lahat. Kinawawa mo naman si Michelle Dee.” 

Kaya nanawagan si Rendon sa lahat ng magulang na huwag umanong kukunsintihin ang kani-kanilang mga anak.

“Kung tanga ‘yan, huwang ninyong i-tolerate. Turuan natin ng tama. Kasi ‘pag lumaki ang mga ‘yan, madadamay ang buong Pilipinas sa mga katangahan nila,” pahayag pa ni Rendon. "Damay-damay kasi tayong lahat dito kapag nagkataon. Haaaay... sumasakit na naman ang ulo ko."

Matatandaang idinetalye ni Michelle ang kaniyang national costume sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

MAKI-BALITA: Michelle Dee, idinetalye kaniyang national costume sa Miss Universe