Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi niya kailangang patawarin ang mga nagpatalsik sa kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong 1986.

Sinabi ito ni Marcos sa isang panayam ng Philippine media delegation sa kaniyang pagbabalik sa Hawaii sa gitna ng kaniyang official visit sa United States.

"I don't need to forgive them. I never blamed them. That’s the thing, that’s how things happened," ani Marcos.

"I hope by now you have realized hindi ako namemersonal. They don't need my forgiveness. If they want it, I’ll give it to them. But they don't need my forgiveness," dagdag niya.

National

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo – PAGASA

Sinabi rin ng pangulo na may magkaibang paniniwala ang dalawang partido, kaya’t nangyari ang EDSA People Power Revolution noong 1986 na naging dahilan ng pag-alis ng kanilang pamilya sa bansa.

"If this is what they believe that they should do, then hindi lang nagpareho 'yung aming pag-iisip o paniniwala," aniya.

"Ipaglalaban ko ‘yung aking paniniwala, pinaglaban nila ‘yung kanilang paniniwala. Eh ganyan ang naging resulta, eh ‘di ganyan. It’s life," saad pa ng pangulo.

Matatandaang pinatalsik sa puwesto si dating Pangulong Marcos Sr. sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution noong 1986, na naging dahilan ng paglipat ng kanilang pamilya sa Honolulu, Hawaii.