Inulan ng batikos ang composer na si Lolito Go matapos niyang punahin ang inclusivity sa Miss Universe 2023.

Sa Facebook post kasi ni Lolito nitong Biyernes, Nobyembre 17, kinuwestiyon niya kung hanggang saan umano ipipilit ng mga pageant organizer ang konsepto ng inclusivity.

“May transgender na, may mga nanay na, may plus-sized na rin sa Miss Universe. I'm all for inclusivity pero hanggang saan ipipilit ng pageant organizers yung inclusivity na ito just to drive home a romantic point?” pahayag ni Lolito.

Dagdag pa niya: “It becomes predictable na and funny to some extent eh. What's next? Ano pa ba ang hindi represented--PWDs, buntis, senior citizenz, conjoined twins? Sige lang, try nyo lang kami gulatin every year. Trip nyo yan eh.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito, kinuyog siya ng mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Mema ka don’t say you’re for INCLUSIVITY when you’re excluding others.”

“Somewhere out there there's a tree with the sole purpose of producing the oxygen you breathe. Go find that tree and apologize.”

“First of all, YOU ARE A MAN. Please keep yourself out of women’s businesses. 😘”

“MAY POINT KA PERO POINTLESS”

“Sana include na rin ang clowns. Looks like you want to join.”

“Nagulat ka? What if tumanggap sila ng candidates na PWDs? What's wrong? Kailang lang ba iyan nangyari? So para hindi ka magulat, stick sila sa format for the past 65 years? Mga bagay nga nagbabago, tao pa kaya....mindset pa kaya…”

“Next year magsasali ng lalaking may asawa at anak na maraming ebas sa mundo ng transpageant. Aabangan ka namin.”

Sa kasalukuyan, may mahigit 4k reactions at 3.7k shares na ang nasabing post ni Lolito.