Binisita ni Liberal Party President at Albay 1st district Rep. Edcel Lagman si dating Senador Leila de Lima sa tahanan nito sa Iriga City, Camarines Sur nitong Sabado, Nobyembre 18, ilang araw matapos magkapagpiyansa ang dating senador.

Sa isang Facebook post, nagbahagi si Lagman ng masayang larawan niya kasama si De Lima.

“Thankful for having the chance to visit in her own home my fellow Bicolano, Sen. Leila de Lima - a woman with an invincible spirit, unshakable courage, and incomparable heart,” ani Lagman sa kaniyang post.

Mula 2017, mahigit anim na taong nakulong si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Quezon City matapos umano siyang masangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na paulit-ulit niyang itinanggi.

National

De Lima, pinawalang-sala sa isa pang drug case

Pinawalang-sala naman ng korte ang isa sa tatlong mga drug case ni De Lima noong 2021, habang noon lamang namang Mayo 2023 nang ipawalang-sala rin ang ikalawang kaso ng dating senador.

Samantala, buwan ng Oktubre nang bawiin ng dalawang mga state witness ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima matapos umano silang “makonsensya.”

https://balita.net.ph/2023/10/17/2-state-witnesses-ng-huling-drug-case-bumawi-ng-mga-testimonya-vs-de-lima/

Noon lamang namang Nobyembre 13, 2023 nang payagan si De Lima ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na makapagpiyansa hinggil sa isa niyang natitirang drug case.

https://balita.net.ph/2023/11/13/makakalaya-na-de-lima-pinayagang-magpiyansa/