Palaisipan sa mga netizen ang isang kumakalat na post sa social media kung saan makikitang magkasama raw ang Kapamilya actor na si Richard Gutierrez at Kapuso actress Kazel Kinouchi, gumaganap na "Zoey" sa hit dramaserye ng GMA Network sa hapon, ang "Abot Kamay na Pangarap."

Batay sa kumakalat na tsika, naispatang nasa iisang area lamang sina Kazel at Richard sa isang Halloween party habang kasama raw ng huli ang mga anak nila ng misis na si Sarah Lahbati.

Photo courtesy: via Fashion Pulis

Matatandaang umiikot ang intrigang tila nagkakalabuan na raw ang mag-asawa dahil hindi na napagkikita lately ang mga litrato nila together sa social media.

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Kung nagpo-post man sila ng mga larawan sa kani-kanilang social media accounts, iyon eh kasama nila nang magkahiwalay ang mga anak nila.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, itinuturong dahilan ng hiwalayang Richard, Sarah?

Samantala, ipinakita naman ng entertainment site na "Fashion Pulis" ang resibo ng pagsagot ni Kazel sa tanong ng isang intrigerang netizen kung may relasyon ba sila ni Richard.

Anang netizen, "Is Richard Gutierrez and you in a relationship?"

Sagot ni Kazel, "NO."

Nang may magsabing nakaka-disappoint siya at pina-follow pa naman daw siya, tugon ni Kazel ay "Get a life, seriously."

Ngunit hindi pa siya tinantanan ng mga netizen at inurirat siya kung bakit nga ba sila magkasama ni Chard sa Halloween party.

Hindi na makikita sa screenshot kung sumagot pa ba si Kazel dito.

Photo courtesy: via Fashion Pulis

Pati sa lumang Instagram posts ni Kazel ay napapatanong na rin ang netizens.

Anang isa, "KAZEL PLS LANG WAG NA WAG KA PAPATOL SA MAY SABIT NA. WAG MO SIRAIN KARIR MO NAPAKAGANDA MO AT MAGALING KA ARTISTA YOU HAVE A BRIGHT FUTURE AHEAD DI MO KELANGAN MAKALADKAD SA MGA ISSUE PARA SUMIKAT MAGALING KA NA AT LALO KA PA GAGALING."

Photo courtesy: Screenshot from Kazel Kinouchi (IG)

Samantala, wala pang malinaw na tugon, reaksiyon, o pahayag si Kazel hinggil sa isyu gayundin ang aktor na si Richard. Bukas ang Balita sa kanilang panig.