Isang dalaga ang "ikinasal" sa kaniyang yumaong nobyo mula sa Kapalong, Davao Del Norte, ayon sa ipinost na video ng mismong mayor ng Kapalong na si Mayor Tess Timbol.

Makikita sa video ang seremonya ng kasal nina Aiza Jean Ayala at pumanaw na nobyong si Mardie Perdez, kapwa ng Davao Del Norte, na dalawang beses na palang naunsyami ang nakatakdang kasal noong nabubuhay pa ito dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon.

Noong isang linggo raw ay kinamatayan na nga raw ni Perez ang pagpapakasal kay Ayala dahil sa iniindang sakit.

"Aiza, unta ang imong tiunay nga gugma kay Mardie ang mamahimo nimo nga inspirasyon ug kusog para sa adlaw adlaw nimo nga kinabuhi. Dili kini sayon nga sitwasyon, apan gipakita nimo ang tinuod nimo nga gugma kay Mardie hangtod sa katapusan sa iyang kinabuhi," ayon sa caption ni Mayor Timbol na may salin sa Tagalog na "Aiza, sana ang tunay mong pag-ibig kay Mardie ay maging inspirasyon at lakas para sa araw-araw mong buhay. Hindi ito madaling sitwasyon, ngunit ipinakita mo ang tunay mong pagmamahal kay Mardie hanggang sa kanyang huling sandali ng buhay."

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Makikita namang emosyonal ang lahat sa naganap na seremonya, lalo na ang bride.

Ang alkalde umano ang nagsagawa ng simbolikong seremonya ng kasal. Ito raw ang kauna-unahang naganap na "kasal" sa pagitan ng patay at buhay sa kanilang bayan.

Sa Pilipinas, hindi kinikilala ng batas ang pagpapakasal ng isang buhay at patay.