Inamin ng TV host-actress na si Ara Mina na hindi umano siya selosang misis sa kaniyang asawang si Dave Almarinez.

Sa isang latest episode kasi ng Iskovery Night nitong Biyernes, Nobyembre 17, tinanong ni “Eat Bulaga” host Isko Moreno si Ara kung sino umano ang madalas magselos sa kanilang dalawang mag-asawa.

“Siya parang pa-cute ‘yung selos niya. Minsan, parang mas seloso siya. Ako, hindi. ‘Di nga ako minsan nagtatanong kung nasaan siya,” saad ni Ara.

Dagdag pa niya: “Ganoon ‘yung trust ko sa kaniya. Kasi he always report: ‘I’m here lang sa office’. Nagpaparamdam siya. Nagkukusa siya. So, ‘di na ako nagtatanong kasi kaka-message lang niya, e.”

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

Kaya sabi ni Ara, ito daw ang dahilan kung bakit masaya siya at blooming. Hindi raw kasi siya binibigyan ni Dave ng alalahanin sa buhay.

Matatandaang Hulyo 2021 nang ikasal si Ara kay Dave. Abril sana noong taong iyon gaganapin ang nasabing kasal pero tumaas ang kaso ng COVID-19 cases sa bansa kaya pansamantala itong naudlot.

MAKI-BALITA: Kasal ni Ara Mina at multimillionaire businessman fiance, secret muna?