Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Surigao del Sur at Cebu nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, parehong tectonic ang pinamulan ng naturang mga lindol sa dalawang lalawigan.

Nangyari umano ang lindol sa Surigao del Sur dakong 12:43 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 29 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur, na may lalim na 16 kilometro.

National

Sen. Bato, binuweltahan si PCO Usec. Castro: ‘Akala n’yo mga santo kayo?’

Samantala, iniulat din ng Phivolcs na yumanig ang lindol sa Cebu bandang 4:28 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 14 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Tudela, Cebu, na may lalim na 8 kilometro.

Naiulat ang Intensity II sa City of Baybay, Leyte.

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III- City of Ormoc, Leyte 

Intensity II- Isabel, Abuyog, City of Baybay, at Albuera, Leyte

Intensity I- City of Talisay, Cebu

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng naturang mga lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang mga nasabing pagyanig.