Nanawagan ng pagkakaisa ang social media personality na si Rendon Labador sa mga taong gustong tumulong.
Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 16, makikita ang mga larawan ng kaniyang pagtulong sa mga taga-San Narciso, Zambales.
Kaya naman, hinikayat niya ang mga tao na gamitin umano ang platform niya upang makapagbigay ng awareness hinggil sa magagandang adbokasiya.
“Hindi ako mayaman at lalong hindi ako pulitiko. Ako ay isang simpleng tao lang na gumagawa ng mga simpleng bagay para makapagbigay-tulong sa kapuwa,” sabi niya.
Pinasalamatan pa niya ang The Mango Park Resort sa Zambales dahil umano sa pakikiisa ng mga ito sa adbokasiya niya na makatulong.
Matatandaang kamakailan lang ay pinasalamatan din niya ang nasabing resort sa ginawa rin nitong pag-agapay noong may nabalahong kotse sa lugar.
MAKI-BALITA: Rendon, to the rescue sa kotseng nabalaho
“Sa lahat ng taong gustong tumulong magkaisa po tayo, gamitin ninyo ang platform ko para makapagbigay ng awareness sa mga magagandang adbokasiya ninyo,” aniya.
“Baguhin natin ang Pilipinas, tara tumulong tayo!” saad pa ni Rendon.
Tila tuloy-tuloy na yata ang “pagbabagong-buhay” ni Rendon matapos bumalik ang kaniyang Facebook account mula noong mabura ito.
MAKI-BALITA: Rendon ‘LabLabLabador’ balik-Facebook: ‘Namiss n’yo ba ako?’
MAKI-BALITA: ‘Tinuluyan ng Meta!’ FB account ni Rendon Labador burado na