Tumanggap na ng tig-₱6,000 ayuda ang 5,203 pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon 'Egay' sa Cordillera Administrative Region (CAR) kamakailan.

Sa anunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Biyernes, ang naturang tulong ay bahagi ng kanilang emergency cash transfer (ECT) program.

Inihayag ng DSWD, nasira ang mga bahay ng mga natukoy na pamilya sa Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, at Mountain Province.

Ang ipinamahaging tulong pinansyal ay gagamitin ng mga naturang pamilya sa pagbangon sa naging epekto ng kalamidad sa kanilang lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol