Naka-high alert na ang mga field office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mindanao upang matulungan ang mga lugar na naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol nitong Biyernes ng hapon.

“The DSWD is on alert to ensure that all affected individuals will receive the needed assistance in the fastest time possible,” paliwanag ni DSWD Secretary Gatchalian.

Ipatutupad aniya ang field office interoperability upang madagdagan ang ibibigay na tulong sa mga lugar na tinamaan lindol, ayon sa opisyal.

“This is to improve our reaction time in responding to affected families while ensuring that pre-positioned food and non-food relief items are effectively utilized,” paliwanag ni Gatchalian.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Tiniyak naman ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, aabot pa sa P65.9 milyon ang standby funds ng DSWD-field offices upang masuportahan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Sa report naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pagyanig ay naganap 34 kilometro kanluran ng Sarangani Island sa Sarangani, Davao Occidental dakong 4:14 ng hapon.