Bulkang Taal, yumanig pa ng 65 beses
Umabot pa sa 65 beses ang pagyanig ng Bulkang Taal sa nakaraang 24 oras.
Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang naitalang volcanic earthquakes ay tumagal ng 10 minuto.
Nasa 11,695 toneladang sulfur dioxide ang ibinuga nito nitong Nobyembre 15, bukod pa ang 900 metrong taas ng pinakawalang puting usok at ito ay tinangay ng hangin pa-timog-kanluran ng bulkan.
Napansin ng Phivolcs ang pag-impis ng kalakhang Taal Caldera, gayunman, namamaga ang hilagang bahagi ng Taal Volcano.
Bawal pa ring pumasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa Taal Lake dahil sa nakaambang phreatic explosions o pagbuga ng abo at nakalalasong usok.
Ipinaiiral pa rin ng Phivolcs ang Level 1 na alert status ng bulkan.