Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kamangha-manghang larawan ng pinakamalaking buwan ng planetang Saturn na “Titan.”
Sa isang Instagram post, inihayag nitong nakuhanan ng Cassini ang larawan ng Titan, kung saan makikita ang atmosphere nito, habang dumadaan umano ang spacecraft sa layong 900,000 miles (1.4 milyong km).
“Titan is unique among moons in our solar system, being the only moon with a thick atmosphere, which is comprised mainly of nitrogen, small amounts of methane, and trace amounts of carbon-rich compounds which rain down on Titan's surface,” saad ng NASA sa nasabing post.
Ayon din sa NASA, may pinaghihinalaang isang malaking karagatan sa ibabaw ng naturang buwan, kaya’t isa umano ito sa mga lugar kung saan posibleng makahanap ng “buhay.”
“Titan is one of the most promising places in our solar system to look for life, with what is suspected to be a large ocean of liquid water hidden beneath its surface,” anang NASA.
“Life on Titan would be very different than on Earth, though, with rivers and lakes of liquid methane strewn across its surface, an atmospheric pressure 60 times that of Earth, and a surface temperature of -290 degrees Fahrenheit or -179 degrees Celsius,” saad pa nito.
Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi naman ng NASA ang larawan ng mala-”jellyfish” na spiral galaxy na nakitaan umano ng mga astronomer ng misteryo.