Tinamaan na ng African swine fever (ASF) ang anim na bayan sa Cagayan, ayon sa pahayag ng Provincial Veterinary (PVET) Office nitong Biyernes.

Kabilang sa mga naapektuhang lugar ang Barangay Angaoang at7 Sto. Tomas sa Tuao; Bauan West sa Solana; Plaza sa Aparri; Iringan sa Allacapan; Namuccayan sa Sto. Nino at Catugan at Malanao sa Lal-lo.

Sinabi ni provincial veterinarian Dr. Myka Ponce, umabot na sa 16 baboy ang kinatay at ibinaon sa lupa upang hindi na lumaganap pa ng sakit.

Hinigpitan na rin ng pamahalaang panlalawigan ang pagbabantay sa mga entry point upang hindi makapasok ang mga buhay na baboy sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nitong nakaraang buwan, kinumpirma ng Department of Agriculture (DA)-Cagayan Valley na 11 bayan sa Isabela ang nahawaan ng sakit.

Ang mga nasabing lugar ay kinabibilangan ng Angadanan, Aurora, Alicia, Echague, Luna, Mallig, Quirino, San Isidro, Gamu, Ramon at Roxas.