Isa pang grupo ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel ang dumating sa bansa nitong Biyernes.

Sa Facebook post ng Department of Migrant Workers (DMW), personal na sinalubong ng officer-in-charge ng ahensya na si Hans Leo Cacdac ang 32 OFWs nang dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 sa Pasay City, nitong Nobyembre 17 ng hapon.

Binanggit ng opisyal na 24 sa naturang bilang ay caregiver at ang walong iba pa ay namamasukan sa hotel bilang caregiver.

Binigyan na rin ng tulong ng DMW ang mga manggagawa bago sila umuwi sa kani-kanilang probinsya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Umabot na sa 256 OFWs sa Israel ang umuwi sa bansa sa tulong na rin ng pamahalaan dahil sa patuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng grupong Hamas.