Tila may patutsada si dating Senate President Tito Sotto tungkol sa mga driver na daan nang daan umano sa EDSA bus lane kahit hindi awtorisado.
“Ito kasing mga gagong driver daan ng daan sa busway kahit hindi authorized,” saad ni Sotto sa kaniyang X post nitong Huwebes, Nobyembre 16.
“Hulihin ng hulihin yan kahit sino! Yung mga boss naman, sipain nyo mga driver nyong gago!” dagdag pa niya.
https://twitter.com/sotto_tito/status/1724974013041242544
Matatandaang naging usap-usapan ang tungkol sa EDSA bus lane nang isapubliko ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations chief Edison “Bong” Nebrija na nasita ng mga MMDA traffic enforcer ang convoy umano ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. nang dumaan sa EDSA bus lane (northbound) sa tapat ng isang shopping mall sa Mandaluyong City nitong Nobyembre 15.
Nang makumpirma na kasama umano si Revilla sa convoy, kaagad ding pinaalis ang mga ito.
Gayunman, iginiit ni Revilla, nasa Cavite siya ngayong araw at imposibleng dumaan ito sa naturang lugar.
Maki-Balita: Paglabag sa EDSA bus lane policy, itinanggi ni Revilla–MMDA TF ops chief, ipatatawag sa Senado
Ang insidente ay nagresulta sa pagkasuspindi ni Nebrija.
Samantala, natunton na ang dalawang driver na gumamit sa pangalan ni Revilla. Nangako ang mga ito na susuko sa tanggap ng MMDA.
Maki-Balita: 2 driver na ‘gumamit’ kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, susuko sa MMDA