Opisyal nang inilunsad sa San Juan City ang Single Ticketing System (STS) bilang bahagi ng pagtatatag ng unipormadong polisiya sa mga traffic violations at penalty system sa National Capital Region (NCR).

Ang launching ng STS, na isinagawa sa San Juan City Hall Atrium nitong Miyerkules, ay pinangunahan nina Metro Manila Council (MMC) President at San Juan City Mayor Francis Zamora, Land Transportation Office (LTO) Regional Director Atty. Noreen San Luis-Lutey, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando S. Artes.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ang aktibidad ay sinaksihan din ng mga kinatawan mula sa mga partner organizations at agencies na kinabibilangan ng Landbank DECS Department Manager Zenaida R. Rodenas, GCash Public Sector at NCR Lead Ms. Rose Abarquez, Maya Key Accounts Specialist Ms. Norika Pineda, at RBS Software Solutions Managing Director Mr. Lemuel Aceron, MMDA AGM for Operations Asec. David Angelo Vargas, MMDA Dir.  Milagros Y. Silvestre, at Atty. Vic Nuñez, gayundin si Vice Mayor Angelo Agcaoili, at mga miyembro ng city council.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Zamora na nagpapasalamat siya dahil naisakatuparan din ang paglulunsad ng single ticketing system sa San Juan pagkatapos ng mahabang panahon.

Ayon naman kay San Luis-Lutey, ang single ticketing system ang magsisimula ng pagbabago ng law enforcement sa Pilipinas.

Sa nasabi ring aktibidad, ipinakita ng mga awtoridad sa publiko ang proseso ng STS.

Nag-turned over din ang MMDA ng 30 handheld devices sa San Juan City na siyang gagamitin sa pag-iisyu ng violation tickets sa mga tsuper na magkakaroon ng paglabag sa 20 common traffic violations na napagkasunduan ng LTO at ng MMC.

Nabatid na ang mga naturang handheld devices ay magpapahintulot din sa mga mahuhuling motorista na agarang magbayad ng multa gamit ang mga online payment channels at credit cards.

“Ito po ay historic moment dahil after 28 years ay maro-roll out na fully ang single ticketing system. Marami pong nagtangka na i-implement ito. Pero during our term as MMDA chair and Mayor Zamora as MMC president ay naisakatuparan na ito,” ani Artes.

Inianunsiyo rin naman ng MMDA chief ang pagbili nila ng karagdagang 1,000 handheld devices  na ipapamahagi nila sa iba’t ibang LGUs.

Sa ilalim ng STS, kabilang sa mga common traffic violations ay ang disregarding traffic signs, illegal parking attended, illegal parking unattended, unified volume reduction program (number coding scheme), truck ban, light truck ban, reckless driving, tricycle ban, obstruction, dress code para sa mga motorsiklo, overloading, defective motor vehicle accessories, unauthorized modification, arrogance/discourteous conduct, loading at unloading sa mga prohibited zones, illegal counterflow, at overspeeding.

Ang multa sa mga naturang paglabag ay mula P500-P5,000 na may kaakibat pang seminar, depende sa paglabag at antas ng paglabag na nagawa.

Inaasahan namang bago matapos ang taon ay maipatutupad na rin ang STS sa iba pang LGUs sa rehiyon.