Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • August 14, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Jeepney, 'di ipe-phaseout -- LTFRB chief

    Jeepney, 'di ipe-phaseout -- LTFRB chief

    By
    Rommel Tabbad
    November 16, 2023
    In
    BALITA National
    Jeepney, 'di ipe-phaseout -- LTFRB chief
    (Manila Bulletin File Photo)

    Jeepney, 'di ipe-phaseout -- LTFRB chief

    By Rommel Tabbad
    November 16, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Iginiit muli ni Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III na hindi magkakaroon ng phaseout ng mga traditional jeepney sa bansa pagkatapos ng deadline ng public utility jeepney (PUJ) franchise consolidation.

    Binigyang-diin ni Guadiz, kailangang maisagawa ang franchise consolidation bago sumapit ang Disyembre 31 ngayong taon.

    Gayunman, papayagan pa rin aniyang pumasada ang mga jeepney sa Disyembre.

    “Kailangan pong tapusin ang consolidation sa December 31. Ang hinihingi lang po namin sa kanila ay 'yung tinatawag na substantial compliance. Ibig sabihin, ‘pag kayo po ay nag-file at compliant na po kayo kahit hindi pa po tapos ay considered na po kayong consolidated, kaya po pwede po kayong tumakbo ng inyong ruta,” paliwanag ni Guadiz sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Huwebes.

    Paglilinaw ng opisyal, hindi magkakaroon ng transport crisis sa bansa.

    "To give you a hypothetical example, sa isang ruta 50 ang lumalayag na jeepney, iyong 40 nag-consolidate so may sampu pa doon na hindi pa nagko-consolidate. Eh, ang kailangan mong jeep ay 50 so ‘yung sampu ‘yun, pwede pang bumyahe hanggang sa hindi natatapos ang consolidation ng 40. So what does that mean? Yes, technically hindi ka na puwedeng bumiyahe pero to prevent a vacuum in certain areas, we will temporarily allow you hanggang hindi tapos ang consolidation ng 40. The moment na natapos na ‘yon, and they are able to fill up the vacuum, iyong sampu, they will have to stop traversing the route. Ibig sabihin, hindi na po sila puwedeng bumyahe. So in sum, kapag iyong ruta mo ay consolidated na, mayroon nang mga tumatakbo, palagay ko po, you have to consolidate now or you have to stop plying your route,” aniya.

    Kinontra rin ni Guadiz ang naiulat na kailangang palitan ng driver ang kanilang unit kapag nakasunod na sila sa franchise consolidation.

    “Hindi po totoo na within 3, 6, or 9 months ay kailangan ka na pong magbago ng unit, wala pong katotohanan ‘yon, pawang kasinungalingan po ‘yon,” dagdag pa ng opisyal.

    Inirerekomendang balita

    Lalaking 102-anyos, patay matapos umanong itulak pababa ng 'stage!'

    Lalaking 102-anyos, patay matapos umanong itulak pababa ng 'stage!'

    Nasawi ang isang 102-anyos na lalaki matapos umanong itulak habang bumababa mula sa entablado ng isang bar at kainan, matapos niyang hilingin na hinaan ang malakas na tugtog mula sa isang banda.  Ayon sa mga ulat, pumunta umano ang biktima sa entablado habang tumutugtog ang Llanelli-based band na upang hilingin na bawasan ang volume ng musika.  Matapos nito, nang papababa na siya sa entablado na...

    9 tripulante, nasagip mula sa sumadsad na tugboat

    9 tripulante, nasagip mula sa sumadsad na tugboat

    Aabot sa siyam na crew members ang matagumpay na nailigtas mula sa isang tugboat na napaulat na sumadsad sa baybaying dagat ng Barangay Bangan, Botolan, lalawigan ng Zambales nitong umaga ng Biyernes, Agosto 14. Base sa ulat na ibinahagi ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Botolan, naikasa ang rescue operations sa tulong ng response team—katuwang ang Philippine...

    Prosecution, nanindigang kondenahin spliced video vs Diokno, 'bending law' ni VP Sara!

    Prosecution, nanindigang kondenahin spliced video vs Diokno, 'bending law' ni VP Sara!

    Tiniyak sa publiko ni Lanao del Sur 1st district Representative at House Prosecutor Zia Alonto Adiong na handa raw silang tumalima sa magiging desisyon ni presiding officer Senator-Judge Chiz Escudero sa darating na Lunes, Agosto 17, 2026.  Kaugnay ito sa naging pagpuna ni defense lead counsel Atty. Sheila Sison noong Miyerkules, Agosto 12, 2026, sa naging pagpo-post umano ni private prosecutor...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: ‘First Aid’ na kinakailangang gawin sa taong nakuryente

    August 14, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Mga kaabang-abang na ganap sa week 6 ng impeachment trial!

    August 14, 2026

    FEATURES

    3

    Asong dalawang araw na umano sa creek, nasagip

    August 14, 2026

    FEATURES

    4

    Viral 69-anyos na lolang nag-college entrance exam, AB Journalism student na!

    August 13, 2026

    FEATURES

    5

    #BalitaExclusives: Ang kuwento sa likod ng maparaang ‘DIY’ na flood barrier sa Cavite

    August 13, 2026

    FEATURES

    6

    Totoo bang mas malikhain ang mga kaliwete?

    August 13, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Netizen, muling inihatid ng service na tricycle driver matapos ang higit 10 taon; kinaantigan!

    August 12, 2026

    FEATURES

    8

    KILALANIN: Bagong PhilHealth chief na si Dr. Beverly Ho

    August 12, 2026

    Opinyon

    Sean Antonio #KaFaithTalks: ‘Pray then prepare,’ Handa ka na ba sa mga pinagdadasal mo? Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paalala ni Jesus: 'Huwag masyadong mag-alala' Nicole Therise Marcelo
    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita