DSWD: 'Oplan Pag-Abot' inilunsad sa Las Piñas City
![DSWD: 'Oplan Pag-Abot' inilunsad sa Las Piñas City](https://cdn.balita.net.ph/wp-content/uploads/2023/11/Screenshot-2023-11-16-183233.png)
(DSWD/FB)
DSWD: 'Oplan Pag-Abot' inilunsad sa Las Piñas City
Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang Oplan Pag-Abot program sa Las Piñas City nitong Huwebes, Nobyembre 16.
Layuning matulungan ng programa ang mga pamilya at indibidwal na nakatira sa mga lansangan sa lungsod.
Ang reach-out operations sa lungsod ay tatagal hanggang Biyernes, Nobyembre 17.
Ipinaliwanag ng DSWD, ang mga pamilya at indibidwal na naninirahan sa kalsada ay dadalhin sa processing center sa Talon Dos, Lagman Covered Court upang sumailalim sa initial assessment.
Matatandaang sinabi ng DSWD na kabilang sa ibibigay sa mga apektadong pamilya at indibidwal ang medical assistance, food support, transportation at relocation aid, livelihood opportunities, transitory family support packages, emergency financial assistance, at transitory shelter assistance.