Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • January 25, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow

    2 driver na 'gumamit' kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, susuko sa MMDA

    2 driver na 'gumamit' kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, susuko sa MMDA

    By
    Rommel Tabbad
    November 16, 2023
    In
    BALITA
    2 driver na 'gumamit' kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, susuko sa MMDA
    (MMDA/FB)

    2 driver na 'gumamit' kay Sen. Revilla sa EDSA bus lane violation, susuko sa MMDA

    By Rommel Tabbad
    November 16, 2023
    In BALITA

    Ibahagi

    Nangako ang dalawang driver na nag-name drop kay Senator Ramon "Bong" Revilla sa paglabag sa EDSA bus lane policy, na susuko sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Huwebes.

    Sa pulong balitaan sa MMDA nitong Nobyembre, nilinaw ni MMDA chairman Romando Artes na nakipag-usap na sa kanila ang may-ari ng dalawang sasakyan.

    2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

    2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

    "Pupunta po ‘yung driver mamaya. Before lunch daw po ay pupunta sila dito para po akuin ‘yung kanilang pagkakamali at mapatawan sila nang kaukulang penalty para d'on po sa paggamit ng bus lane,” anang opisyal.

    Ang dalawang sasakyan ay sinita ng mga enforcer ng MMDA, malapit sa isang shopping mall sa Mandaluyong matapos dumaan sa EDSA bus lane.

    Sinabi umano ng dalawang driver na convoy sila ng senador kaya't hindi na sila tiniketan at pinaalis na sa lugar.

    Paliwanag pa ni Artes, ipapadala niya kay Revilla ang mga pangalan ng dalawang driver at ang senador na ang bahala kung kakasuhan niya ang mga ito.

    Ang insidente ay nagresulta sa pagkasuspindi ni MMDA Task Force Special Operations chief Edison "Bong" Nebrija matapos isapubliko ang insidente.

    Nauna nang idinahilan ni Nebrija na pinagbatayan lamang niya ang report sa kanya ng kanilang enforcers na sumita umano sa convoy ni Revilla.

    Itinanggi ni Revilla na dumaan siya sa lugar at sinabing nasa Cavite ito nang mangyari ang insidente.

    Inirerekomendang balita

    2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

    2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

    Dalawang naghahabaang sawa ang nasagip ng mga awtoridad sa magkaibang residential area sa Leyte.Ayon sa mga ulat, nahuli ang unang sawa sa kisame ng isang bahay matapos itong mamataan ng isang residente.Tinatayang may haba ito ng mahigit 10 talampakan at napag-alaman ding nakalunok pa ito ng isang buhay na tuta.Ayon sa pagsusuri ng mga awtoridad, may sugat sa mata ang naturang sawa na kinailangang...

    MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

    MMDA, dinepensahan traffic enforcer na pinagbintangang nagtatago sa kalsada

    Ipinagtanggol ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang traffic enforcer nilang pinagkamalang nagtatago umano habang nasa lansangan.Sa Facebook post kasi ni Kuya Jerwin Moto nitong Sabado, Enero 24, ibinahagi niya ang larawan ng naturang traffic enforcer kalakip ang malisyosong caption.“FROM Unknown Follower - tagu taguan sa Nagtahan Bridge(ilalim) ganyan na po ba talaga ang sistema ng...

    Bangkay ng babaeng 9 na buwan nang nakalibing, kinalkal sa libingan!

    Bangkay ng babaeng 9 na buwan nang nakalibing, kinalkal sa libingan!

    Natagpuan sa labas ng kaniyang nitso ang bangkay ng isang 36-anyos na babae na inilibing noong Abril 2025 sa Mabini, Bohol. Nadiskubre ang katawan sa Lungsodaan Public Cemetery sa labas ng nitso ng naturang bangkay.Ayon kay Police Senior Master Sergeant Emmanuel Habas, imbestigador ng Mabini Police Station, isang mag-asawang sina alyas “Carlo” at “Maria Grace” ang unang nakapansin na...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Ang pagtaob at pagkawala ng MBCA Amejara sa Davao

    January 24, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Mga dapat malaman tungkol sa Autism Spectrum Disorder

    January 24, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Nakikilala ba ang personality ng isang tao base sa sulat-kamay?

    January 23, 2026

    FEATURES

    4

    ALAMIN: Sakit na ‘Diverticulitis’ ni PBBM, life-threatening nga ba?

    January 22, 2026

    FEATURES

    5

    #BalitaExclusives: Bagong silang na sanggol inabandona, natagpuan sa loob ng cardboard box sa gilid ng kalsada

    January 22, 2026

    FEATURES

    6

    #BALITAnaw: Makasaysayang EDSA Dos na nagpatalsik kay Erap sa Palasyo

    January 20, 2026

    FEATURES

    7

    #BalitaExclusives: Recognition rites ng isang sundalo, naging emosyonal na family reunion matapos ang ilang buwang ‘no contact’

    January 20, 2026

    FEATURES

    8

    Anak ng construction worker, manggagapas ng damo, nakatanggap ng higit ₱200k scholarship grant!

    January 19, 2026

    Opinyon

    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Paano hahanapin ang katahimikan kung sarili ang kalaban araw-araw? Nicole Therise Marcelo
    Balita Online #KaFaithtalks: Puro blessings ang gusto, pero good steward ka ba? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Susunod ka pa rin ba sa Panginoon kahit mahirap? Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: May ‘purpose’ na itinakda ang Diyos sa buhay mo Balita Online
    Balita Online #KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat Balita Online
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita