GUIMBA, Nueva Ecija — Nasa 10 indibidwal ang kumalas ng kanilang suporta sa CPP-NPA-NDF sa Barangay Nagpandayan, Guimba nitong Miyerkules, Nobyembre 15.
Ayon sa ulat, ang 10 miyembro ay mula sa Liga ng Mangagawang Bukid sa Gitnang Luzon (AMGL) sa ilalim ng Kilusan ng Magbubukid ng Pilipinas (KMP).
Ayon kay Police Col. Richard V. Caballero, ang pagkalas ng suporta ay pinangunahan ng 2nd provincial mobile force company at iba pang supporting units.
Nanumpa ng katapatan sa pamahalaan ang naturang mga miyembro.
“This withdrawal of support signifies a rejection of the false promises and deceitful tactics employed by the CPP-NPA-NDF, and also reflects the dedication of NEPPO in countering the influence of insurgent groups,” ani Caballero.