Tila merry ang Christmas ng isang taga-Valenzuela matapos manalo ng mahigit ₱5 milyon sa Lotto 6/42 na binola nitong Martes ng gabi, Nobyembre 14.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 01-12-21-28-08-18 na may tumataginting na ₱5,940,000 na jackpot prize.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Dagdag pa ng PCSO, nabili ang winning ticket sa Marulas, Valenzuela.

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE BACONCPILIPINAS CONGRATULATIONS! 6/42 LOTTO NATIONAL LOTTERY JACKPOT WINNER Tuesday, November 14, 2023 01 12 21 28 08 18 WINNING COMBINATION Php5 0,000.00 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in Marulas, Valenzuela *Prizes hp10,000. subject 20% pursuant winnings should claimed date f /pcsoofficialsocialmedia TRAIN Law. otherwise the same would 18+ /PCSO GOV forfeited form part the Charity Fund www.pcso.gov.ph'

Upang makubra ang premyo, pumunta lamang sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at dalhin ang winning ticket at dalawang valid ID.

Ang premyong napanalunan na lagpas sa ₱10,000 ay sasailalim sa 20 porsiyentong tax na alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyo na hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.