Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Health (DOH) nitong Martes, Nobyembre 14, kaugnay sa lunas umano sa osteoarthritis.
Sinabi ito ng DOH matapos kumalat ang isang post na naglalaman ng “false endorsement” at ginagamit ang pangalan ni Secretary Teodoro Herbosa para i-endorso ang isang panlunas umano sa nasabing sakit.
“This endorsement is false. Neither the DOH nor the Secretary has endorsed any such product,” pahayag ng DOH.
Kasalukuyan na umanong nakikipagtulungan ang departamento sa Food and Drug Administration (FDA) at ibang organisasyon ng gobyerno upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing maling impormasyon.
Sa huli, hinikayat ng ahensya ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa mga lehitimo at mapagkakatiwalaang sanggunian gaya ng opisyal na website o social media sites ng DOH.