Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao Occidental at Davao Oriental nitong Miyerkules ng madaling araw, Nobyembre 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naganap ang nasabing lindol sa Davao Occidental bandang 2:21 ng madaling araw sa Balut Island.
Habang sa Davao Oriental, naganap ang pagyanig bandang 3:36 ng madaling araw sa Governor Generoso.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Wala rin namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.