"Hindi totoo na kailangan parating violence at sex para kumita.”

Hinikayat ni Senador Alan Peter Cayetano ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na panatilihin ang Filipino values sa mga digital content na mapapanood online.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Kung kaya't iminungkahi niya na dapat magsagawa ng pag-aaral o research ang MTRCB upang matiyak ang pagpapanatili ng Filipino values sa mga digital content, lalo’t mas lumalawak pa ang paggamit umano ng internet.

"Since nakikita ko sa MTRCB ‘yung heart na maging guardian ng values ng ating youth ngayon, let me encourage MTRCB to look at contemporary Filipino values that we can agree on, and [determine] if they (digital platforms) are allowed na kahit ano pwedeng ipakita," ani Cayetano sa plenary debate ng panukalang 2024 budget ng MTRCB nitong Martes, Nobyembre 14.

Nilinaw ni Cayetano na ang layunin ay hindi upang mag-censor kundi upang matiyak na ang mga kabataang Pilipino ay hindi kumokonsumo ng mga palabas na mararahas, mahahalay, o labag sa moral ng mga Pilipino.

Aniya, lalong mahalaga ito ngayong panahon kung kailan laganap na ang ilegal na droga, teenage pregnancy, at sexually transmitted diseases.

"It's not more of censorship, but more of giving the young people the right ideas and information, and then they can make their own choices later on," anang senador.

Para raw matiyak na balanse ang lalabas na resulta sa research ng MTRCB, dapat daw gamiting basehan ang values ng sambayanang Pilipino at hindi ang personal values ng chairperson ng MTRCB.

"We do have to have a standard, and siguro the first standard is the Philippine Constitution, which mentions the Lord Almighty sa preamble pa lang," ani Cayetano.

Makakatulong pa raw sa mga filmmaker ang panukalang research dahil magiging updated umano ang mga ito tungkol sa uri ng mga palabas na talagang gusto ng publikong Pilipino.

"Hindi totoo na kailangan parating violence at sex para kumita.”

Samantala, sumang-ayon naman si Senador Jinggoy Estrada sa sinabi ng kapwa niyang senador.

"Nakikinig ang pamilya ng MTRCB at sigurado ako na seryoso nilang isasaalang-alang ang mga balidong mungkahi ni Senator Cayetano," pahayag ni Estrada.