Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • May 16, 2025

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow

    Bus lane violation, itinanggi: Revilla, hinarap si Nebrija sa Senado

    Bus lane violation, itinanggi: Revilla, hinarap si Nebrija sa Senado

    By
    Rommel Tabbad
    November 15, 2023
    In
    BALITA
    Bus lane violation, itinanggi: Revilla, hinarap si Nebrija sa Senado
    (Senator Ramon Revilla, Jr./FB)

    Bus lane violation, itinanggi: Revilla, hinarap si Nebrija sa Senado

    By Rommel Tabbad
    November 15, 2023
    In BALITA

    Ibahagi

    Nagkaharap sina Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr. at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations chief Edison "Bong" Nebrija sa Senado nitong Miyerkules ng hapon kasunod na rin ng inilabas na impormasyon ng huli na sinita ng mga enforcer ang convoy ng senador na dumaan sa EDSA bus lane sa Mandaluyong City.

    Sa pulong balitaan sa Senado, dumalo sina Revilla, MMDA chairman Romando Artes at si Nebrija upang linawin ang usapin.

    Eleksyon
    Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

    Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

    Kinumpronta ni Revilla si Nebrija dahil sa pagbanggit sa kanyang pangalan matapos umanong sitahin ng mga MMDA enforcer ang convoy ng senador sa tapat ng isang shopping mall sa EDSA, Mandaluyong nitong Nobyembre 15 ng umaga.

    Nauna nang inihayag ni Nebrija sa isang press conference sa Maynila na binigyan niya ng go-signal ang mga enforcer nito na paalisin na ang convoy ni Revilla sa kabila ng paglabag sa EDSA bus lane policy.

    Gayunman, kaagad na itinanggi ni Revilla na dumaan ito sa bus lane at sinabing nasa Cavite ito nang mangyari ang sinasabing insidente.

    "It is painful for me to hear reports that I was allegedly apprehended by an MMDA enforcer for unauthorized use of the EDSA bus lane. There is absolutely no truth to the malicious report that I was apprehended using the EDSA carousel busway," pahayag ni Revilla sa mga mamamahayag na naka-base sa Senado.

    "My daily commute is from the south to the Senate and there is no possibility I will be on EDSA in Mandaluyong. When attending official functions in the north, I take the skyway from and back to the south," pagdidiin pa ng senador.

    Depensa naman ni Nebrija, ibinatay lamang nito ang pahayag sa report sa kanila ng mga enforcer na nakatalaga sa naturang lugar.

    Sa nasabing press conference sa Senado, inanunsyo ni Artes na sinuspindi muna nito si Nebrija simula sa Huwebes upang bigyang-daan ang imbestigasyon sa usapin.

    Nang matapos ang pulong balitaan, nakipagkamay si Revilla kina Artes at Nebrija.

    Inirerekomendang balita

    Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

    Matapos manalong alkalde: Kerwin Espinosa, binasa Local Government Code ng PH

    Nagbahagi ang dating self-confessed druglord na si Rolan 'Kerwin' Espinosa ng larawang nagbabasa ng Local Government Code ng Pilipinas matapos niyang maproklama bilang alkalde ng Albuera, Leyte.Sa isang Facebook post nitong Huwebes, Mayo 15, sinabi ni Espinosa na wala raw siyang sasayanging oras upang matutunang pamahalaan ang kaniyang obligasyon bilang mayor.“No time wasted for the...

    Mayor Vico sa pag-aasawa: Darating po tayo d'yan

    Mayor Vico sa pag-aasawa: Darating po tayo d'yan

    Sa ngayon, tila wala pa sa isip ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pag-aasawa, aniya, ang inspirasyon niya sa ngayon ay ang mga Pasigueño.Sa isang TV interview, tinanong si Sotto kung ano ngayon ang kalagayan ng kaniyang puso. “Okay lang po. Darating at darating naman po ‘yan,' saad ng alkalde. 'Gaya nga po ng sabi ko, nitong nakaraang anim na taon sobra sa trabaho...

    Mga partylist na nakapangalan sa ‘teleserye’ at tunog ‘ayuda,’ ipagbabawal na sa susunod na eleksyon—Comelec

    Mga partylist na nakapangalan sa ‘teleserye’ at tunog ‘ayuda,’ ipagbabawal na sa susunod na eleksyon—Comelec

    Inihayag ng Commission on Elections na ipagbabawal na nila ang pagkakaroon umano ng mga party-list na nakapangalan sa sa mga teleserye at tunog ayuda.Sa press conference nitong Biyernes, Mayo 16, 2025, iginiit ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan daw magpalit ng pangalan ang mga party-list na magbabalik tumakbo sa Kamara sa susunod na taon.“We will no longer allow party-list...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

    May 16, 2025

    FEATURES

    2

    Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

    May 15, 2025

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Ano ang 'femicide' at bakit nakababahala ito?

    May 15, 2025

    FEATURES

    4

    KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

    May 14, 2025

    FEATURES

    5

    Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

    May 11, 2025

    FEATURES

    6

    KILALANIN: Si Pope Leo XIV—ang Santo Papa na aktibo sa social media

    May 09, 2025

    FEATURES

    7

    BALITAnaw: Gaano katagal ang naging Papal Conclave sa mga nakaraang taon?

    May 08, 2025

    FEATURES

    8

    ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

    May 07, 2025

    Opinyon

    Anna Mae Lamentillo Kailangan mong bumoto Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Marupok ang demokrasya—ngunit nasa mamamayan ang tunay na lakas nito Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Ang mga tagamasid ng halalan ang nagliligtas sa demokrasya—bakit kailangan pa natin ng mas marami sa kanila Anna Mae Lamentillo
    Anna Mae Lamentillo Bakit Dapat Tumanggi ang Pilipinas sa Online na Pagboto Anna Mae Lamentillo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: May lakas ka dahil kasama mo si Kristo Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita