Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Martes ng umaga, Nobyembre 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 8:10 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 19 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Maitum, Sarangani, na may lalim na 26 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa City Of General Santos.

National

Ex-Pres. Duterte, itinangging nag-alok ng ‘cash rewards’ para sa drug war

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - Kiamba, Sarangani

Intensity IV - City Of General Santos

Intensity III - Pikit, Cotabato; Malungon at Maasim, Sarangani; Tupi at Polomolok, South Cotabato

Intensity II - Don Marcelino, Davao Occidental; Alabel, Glan, at Malapatan, Sarangani; City of Koronadal, South Cotabato

Intensity I - Tantangan, South Cotabato

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.