Napabilib si Kapuso star Bea Alonzo sa guest celebrity niyang si Melai Cantiveros na sumalang sa "lie detector test" na mapapanood sa kaniyang vlog.

Naikuwento ni Melai kung paano siya bilang isang magulang sa kaniyang mga anak na sina Mela at Stella. Aniya, laki raw siya sa palo noong bata pa siya kaya naman ganoon din ang iniimplement niya sa mga anak. Gusto kasi niya, habang bata ang mga ito ay mahulma na kaagad ang mga ugali nito.

Nagkuwento pa nga si Melai na minsan daw ay nagka-anxiety ang panganay na si Mela sa school dahil mababa ang nakuha niyang score sa spelling.

Bilang pag-comfort, sinabi na lamang ng Magandang Buhay momshie host na wala siyang dapat ipag-alala dahil noong mga estudyante pa sila ng kaniyang tatay na si Jason Francisco, mababa rin ang score nila sa spelling.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nakakatawa nga lang dahil ito raw ang paliwanag ni Mela sa namamahala sa paaralan.

Isa pang bagay, tinuruan ni Melai ang mga anak kung paano makokontrol ang "inggit" sa kapwa.

Sa halip na itangging hindi totoo ang inggit, sinabi ni Melai sa mga anak na dapat i-assess o i-acknowledge ng mga anak ang pakiramdam na naiinggit sila.

Tapos daw, kailangan lamang daw mag-inhale-exhale upang makontrol ito, at pagkatapos niyon ay maging kontento na sa kung ano ang mayroon siya.

Bagay na nagawa naman ng anak.

"Kasi alam mo, bilang nanay naramdaman ko kasi, 'Bakit ka... kasi 'yong classmates ko perfect sila (spelling) ako hindi.' 'Ay, so ibig sabihin mahal, nainggit ka, sinabi ko. Huwag kang mainggit mahal.' Inaccept naman niya kasi gusto kong maassess niya ba... kailangan kasing ma-accept niya na nainggit talaga siya para makuwan niya sa sarili niya na 'Ah nainggit ako kaya pala 'yon ang attitude ko. So dapat, ayusin ko,'" paliwanag ni Melai.

"So sinabi ko sa kaniya, 'Pag nainggit ka, walang problema sa mainggit kasi normal lang 'yan na maramdaman mo, inhale-exhale at isipin mo, 'yong blessing ngayon, kung ano lang 'yong kaya mong i-answer, iyon din ang blessing mo. Tapos isipin mo si Lord, in Jesus name na huwag kang mainggit.'"

"Alam mo kinabukasan... paglabas niya 'Mama very good ako.' Hindi dahil doon sa exam, very good siya doon sa 'Mama naiinggit ako pero nag-inhale-exhale ako tapos nawala na 'yong inggit ko..." paliwanag ni Melai.

"Hindi kasi ako doon sa academics eh. Kasi matututunan mo 'yan hanggang tumanda ka, kahit ilang years mo pa rito sa mundo, doon ako sa ugali para pagtanda nila, iyon ang dadalhin ninyo sa pagtanda ninyo eh..."

Natuwa naman si Bea sa nabanggit na kuwento.

"Ang dami kong natututunan sa 'yo ngayon," sey ni Bea.

"Sometimes hindi tayo naiinggit, it becomes a healthy competition kasi nakikipagkumpetensya ka para mas maging better 'yong performance mo, pero ngayon naririnig ko 'yong perspective mo, ang dami kong nare-realize..."

Dagdag pa ni Melai, kapag magulang na kasi, kailangang ma-instill na kaagad sa mga anak ang pananampalataya sa Diyos at magagandang ugali upang kapag tumanda na sila ay bitbit nila ito.