Nag-react si Senador Imee Marcos sa naging pagpayag ng korte kay dating Senador Leila de Lima na makapagpiyansa ukol sa isa niyang natitirang drug case.
Matatandaang kinumpirma ng legal counsel ni De Lima na si Atty. Boni Tacarardon nitong Lunes, Nobyembre 13, na pinayagan ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang motion for reconsideration para sa petisyon ng pagpiyansa ang dating senador sa halagang ₱300,000.
Sa isa namang pahayag nitong Martes, Nobyembre 14, iginiit ni Marcos na nagpapakita ang nangyari kay De Lima na isa umanong “court of law” at “justice” ang korte ng Pilipinas.
Kaugnay nito, binigyang-diin din ng senadora na wala umanong “jurisdiction” ang International Criminal Court (ICC) sa bansa.
“The independence of the judiciary is present and true. Our court is a court of law and justice, oblivious of personalities or any political noise. Sen. De Lima’s bail yesterday was a testament to that,” ani Marcos.
“It bolsters my position mula simula pa, that the ICC has no jurisdiction over any Filipino - lalo na kay PRRD. It has no business meddling with our justice system,” saad pa niya.
Ang ICC ay kilalang nag-iimbestiga sa war on drugs ng administrasyon ni dating PRRD o dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, unang nakulong si De Lima, na kilalang kritiko ni Duterte, noong 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na paulit-ulit niyang itinanggi.
Pinawalang-sala naman ng korte ang isa sa tatlong mga drug case ni De Lima noong 2021.
Noon lamang namang Mayo 2023 nang ipawalang-sala rin ang ikalawang kaso ng dating senador.
Pinawalang-sala naman ng korte ang isa sa tatlong mga drug case ni De Lima noong 2021.
Noon lamang namang Mayo 2023 nang ipawalang-sala rin ang ikalawang kaso ng dating senador.
https://balita.net.ph/2023/05/12/de-lima-pinawalang-sala-sa-isa-pang-drug-case/
Samantala, nito lamang Oktubre nang bawiin ng dalawang mga state witness ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima matapos umano silang “makonsensya.”
https://balita.net.ph/2023/10/17/2-state-witnesses-ng-huling-drug-case-bumawi-ng-mga-testimonya-vs-de-lima/