Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Nobyembre 14, na 57.07% o 1,579 sa 2,767 examinees ang pumasa sa November 2023 Customs Broker Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Trisha Marie Veneracion Siy mula sa Holy Cross of Davao College matapos siyang makakuha ng 91.25% score.

Hinirang naman ang Adamson University bilang top performing school matapos itong makakuha ng 85.71% overall passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Nobyembre 8 hanggang 9, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Cebu, at Davao.
National

Ex-Pres. Duterte, itinangging nag-alok ng ‘cash rewards’ para sa drug war