Masaya si dating Bise Presidente Leni Robredo nang payagan ng Muntinlupa court si dating Senador Leila de Lima na magkapagpiyansa.

“Matagal nating hinintay ang araw na ito, sa pananalig na ang tama at totoo ang palaging mananaig,” saad ni Robredo sa kaniyang X post nang pumutok ang balitang makakapagpiyansa na si De Lima.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Pinatutunayang muli ngayon na walang basehan ang mga paratang laban kay Senator Leila. Ang lahat ng mga paninira at panggigipit na naranasan niya sa loob ng halos pitong taon ay bunga ng kaniyang pangangahas na tumindig para sa tama—para sa ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

“Through all these years, Sen. Leila has been a source of inspiration for us. Her courage and her faith lent so many of us the resolve to continue fighting the good fight, to speak truth to power, and to keep believing that the Filipino people deserve so much more.

“Masaya ako na sa wakas ay namayani ang hustisya at makakapiling na natin nang malaya si Sen Leila. Tagumpay ito hindi lang para sa kaniya, kundi para sa ating bayan,” saad pa ng dating bise presidente.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1723963448210649337

Ayon sa legal counsel ni De Lima na si Atty. Boni Tacarardon, pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang motion for reconsideration para sa petisyon ng pagpiyansa ang dating senador.

Maki-Balita: ‘Makakalaya na!’ De Lima, pinayagang magpiyansa