“Precious freedom! Free at last!”

Ito ang pahayag ni dating Senador Leila de Lima sa kaniyang paglabas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 13, matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa.

“Pinakahihintay ko sa buhay ko for more than six years. Ito na, dumating na po. Maraming salamat,” saad pa ng dating senador nang pansamantala siyang lumabas sa kulungan para humarap sa midya.

Sinisimulan na umano ng mga pulis ang pagproseso sa tuluyang paglaya ni De Lima matapos matanggap ang utos ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 206 nitong Lunes ng umaga.

Hontiveros sa pagpayag kay De Lima na magpiyansa: ‘Justice will prevail’

Matatandaang kinumpirma ng legal counsel ni De Lima na si Atty. Boni Tacarardon nitong Lunes na pinayagan ng Muntinlupa RTC Branch 206 ang motion for reconsideration para sa petisyon ng pagpiyansa ang dating senador sa halagang ₱300,000.

Unang nakulong si De Lima noong 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na paulit-ulit niyang itinanggi.

Pinawalang-sala naman ng korte ang isa sa tatlong mga drug case ni De Lima noong 2021.

Noon lamang namang Mayo 2023 nang ipawalang-sala rin ang ikalawang kaso ng dating senador.

https://balita.net.ph/2023/05/12/de-lima-pinawalang-sala-sa-isa-pang-drug-case/

Samantala, nito lamang Oktubre nang bawiin ng dalawang mga state witness ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima matapos umano silang “makonsensya.”

https://balita.net.ph/2023/10/17/2-state-witnesses-ng-huling-drug-case-bumawi-ng-mga-testimonya-vs-de-lima/