"Good point" daw ang napansin ng Kapuso comedienne na si Pokwang sa gas stops na nasa mga expressway.
Aniya sa kaniyang X post nitong Lunes, Nobyembre 13, wala raw siyang napapansing kahit maliit na pharmacy o botika sa gast stops sa mga expressway.
Mahalaga pa naman ang botika lalo na raw kung may emergency.
"napansin ko lang bakit walang kahit maliit na pharmacy man lang sa mga gas stops sa mga expressway? diba importante yon kapag may emergency? puro kainan lang? napansin ko lang naman po," anang Pokie.
https://twitter.com/pokwang27/status/1723876624788234409
Sa comment section ay sinabi ng mga netizen na tama ang obserbasyon ng komedyante.
"I agree ate💯 napansin ko din yan kapag dadaan ako sa expressway."
"Good point, Ms. Pokie."
"Magandang investment idea 'yan, Mamang. Mahirap lang kasi kailangan ng registered pharmacist kahit gaano kaliit yung drugstore."
"Makes sense naman."
Sa kabilang banda, ilang netizen naman ang nagsabing dapat ay nagdadala na lang ng sariling gamot sa tuwing bibiyahe.
Banat naman ni Pokwang, "Emergency nga diba po? Emergency! hindi lahat ng pagkakataon ay perfect."
https://twitter.com/pokwang27/status/1723932461066076582
May mga nagsabi namang baka nasa mga convenience store sa loob ng gas stops ang mga panindang gamot.