Isinalaysay ng aktres na si Arci Muñoz sa TikTok ang kaniyang "horror story" habang nasa eroplano pauwi ng Pilipinas, mula sa kaniyang pagbabakasyon sa Japan.

Nasa eroplano ng isang Korean airline si Arci, business class, connecting flight pabalik ng Pilipinas. Nagpapahinga raw siya sa kaniyang cubicle nang maalimpungatan dahil magla-landing na ang eroplano.

Isang lalaki raw ang malapit sa kaniyang cubicle at kinukuha ang in-flight magazine. Hindi raw ito pinansin ni Arci bagama't nagtataka kung bakit kinukuha pa nito ang sa kaniya gayong batay sa pagkakaalam niya, lahat ng cubicle ay may magazine sa loob nito. Lumakad na palayo ang lalaki.

Mabuti na lamang daw at isang babae ang nakakita sa mga pangyayari. Hindi na nabanggit ni Arci kung ano ang nationality nito, subalit inilarawan niya ito bilang angel from heaven.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"This woman (who was seated near me) asked if I knew that guy. And I was liked, no. She stood up tapos she confronted the man. 'Why did you touch her bag?' Ako naman sabi ko, bakit nawawala 'yong bag ko? And then I saw my bag on the floor near the aisle, eh sa window seat ako nakaupo," pahayag ni Arci.

Kaagad daw na inireklamo ni Arci ang lalaki sa isang flight attendant, at naging testigo niya ang babae. Nang i-check daw ni Arci ang laman ng bag, hindi raw niya agad napansing may nawawala.

Makalipas ng dalawang araw, doon lamang niya nalamang nawalan na pala siya ng credit card.

"At first, I didn't notice na something was missing in my bag kasi compiled lahat ng credit cards ko eh. And then after two days may notification na sa bank ko na someone was using my credit card sa Ho Chi Min sa Vietnam at saka sa Jakarta," anang aktres.

Hindi raw mapapansin sa lalaki na gagawa ito ng masama dahil sa hitsura at porma nito.

Isinalaysay ni Arci ang karanasan upang magsilbing babala sa mga mananakay ng eroplano, na mag-ingat sa mga ganitong modus.

"Ano 'to modus talaga nila? Sumasakay sila ng mga business class... so, guys, I'm doing this to warn you na there is a dangerous world out there."

"And you can't really be safe, so you really have to be alert, mindful of your things."

Pinasalamatan ni Arci ang bank company sa maagap na pag-aksyon at pag-block sa kaniyang credit card na tinangkang gamitin ng kawatan.