Matapos ang mahigit anim na taon, nakatakda nang makalaya si dating Senador Leila de Lima matapos siyang payagan ng Muntinlupa court na magpiyansa ukol sa isa niyang natitirang drug case.

Ayon sa legal counsel ni De Lima na si Atty. Boni Tacarardon, pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang motion for reconsideration para sa petisyon ng pagpiyansa ang dating senador.

“Wherefore, premises considered, the respective Motions for Reconsideration of the concerned accused are granted. Thus, the Order of the Court dated June 07, 2023, is reconsidered. Consequently, accused De Lima, Bucayu, Dayan, Sanchez and Dera are allowed to post bail in the amount of THREE HUNDRED THOUSAND PESOS (P300,000.00) each," nakasaad sa desisyon ng korte.

Matatandaang unang nakulong si De Lima noong 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na paulit-ulit niyang itinanggi.

National

De Lima, pinawalang-sala sa isa pang drug case

Pinawalang-sala naman ng korte ang isa sa tatlong mga drug case ni De Lima noong 2021.

Noon lamang namang Mayo 2023 nang ipawalang-sala rin ang ikalawang kaso ng dating senador.

Samantala, nito lamang Oktubre nang bawiin ng dalawang mga state witness ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima matapos umano silang “makonsensya.”

https://balita.net.ph/2023/10/17/2-state-witnesses-ng-huling-drug-case-bumawi-ng-mga-testimonya-vs-de-lima/